Linggo, Agosto 7, 2011

Stories of Ouccchhh . . . Story #1 (Part 1)

“Pagkakamali (CurlyShell of Quezon City)”
          Hindi pa sana ako magkakaboyfriend at hindi ko pa sana mararanasan na masaktan , kaso dahil sa udyok ng barkada ko , sinagot ko si Frankline kahit hindi ko pa siya masyadong kilala. Kahit pa schoolmate ko siya , ay magkaiba naman ang course namin at kahit ni isang subject ay hindi kami magkaklase.
          Lagi kasi akong iniinggit nina Wella , Kristy , Bella , Mike , Cris , Randy at ang -muse ng grupo , ang bakla na si Cinderella. Sila daw ay may boyfriend at girlfriend na, at si bakla ay may papa na din na hindi namin ka-school. Kapag daw may Boyfriend ka , may kashare sa pagkain kapag eating time ; kapag may assignments o projects , tiyak na may katulong na gagawa; Kapag tag-ulan, may tagadala ng payong at raincoat; Kapag walang baon may mauutangan, Kapag papasok sa school , may susundo; Kapag uwian , may maghahatid at kung anu-ano pa . Iniinggit nila ako sa mga ganoong bagay at talagang itinutulak nila sa Frankline sakin .
          Ito namang si Frankline ay kulit ng kulit sa akin. Characteristics na ayaw ko kay Frankline : Sarat ang ilong at may pagkasakang maglakad . Characteristics naman na gusto ko sa kanya : matangkad at makinis ang balat. Pero sa kabuuan , ayaw ko kay Frankline , he’s not my ideal boy. Maingay rin pala kasi siya magsalita, naririnig ng lahat, parang babae.
          Pero dahil nga sa walang humpay ang panunukso nila sa akin kay Frankline ay sinagot ko na nga ito kahit naaasiwa na ako. Kasi kung hindi ko siya sasagutin , ma-a-out of place ako sa grupo. Hindi na nila ako papansinin , at kapag humiwalay ako sa grupo, marami silang sasabihin na hindi maganda sa akin .
          Ayaw ko rin namang magalit sila sakin , kasi nagkakaisa kami ng layunin. Ang gusto ng isa , gusto ng lahat. Walang kumokontra at sumusuporta pa .
          Naging kami ni Frankline. Naging Sweet siya sakin pero may kaunting hanging pa rin pala siya sa sarili. Kesyo masasarap daw ang kinakain nila lagi sa bahay at marame raw babae sa school na naghahabol sa kanya , pero hindi naman niya type. Ako raw kasi ang type ng barkada ko para sa kanya kaya ako na lang ang niligawan niya .
          So , Napilitian ka lang pala , Frankline !
          At saka hindi ko rin gusto ang style ni Frankline. Kapag kumakain kami , sa canteen o kahit saan , lumalaki ang bunganga niya kapag kumakagat at kung ngumunguya siya parang may baboy na ngumunguya , may tunog.
          Yuck , Nakaka-turn Off !
          Marami rin kaming differences ni Frankline. Mahilig sya sa rap songs; ako, walang kainte-interes doon. Kung ano lang ang usong kanta , iyon lang ang gusto kong pakinggan.
          May nakakainis na ugali rin si Frankline. Kapag may dumadaan na magandang babae sa tapat niya o sa tapat namin , nagpapa-pansin siya. Nagha-Hi siya rito , o naghe-HELLO , o kung minsan nagtatanong ng oras. At ginagawa niya ito lalo na kapag nakatingin ang tropa niya. At ang tropa naman niya ay kakantyawan siya. Hindi ba’t  malaking insulto iyon para sa akin ? Naiinis ako sa ugali niyang ganun. Kaya iniiwan ko na lang siyang mag-isa at nagpapakita ako sa lahat na galit ako sa kanya. Habang siya naman ay lalo pa akong pinapagselos , imbes na sundan ako para suyuin . As if nagseselos ako , eh hindi naman .
          Anong klaseng Frankline ba yan ! Grrr.
—————- ITUTULOY . . 
Suggestions ~ > Anong pwede niyang Gwin ?